At 4:00 PM today, the center of Tropical Storm
"BASYANG" was estimated based on satellite and surface data at 440 km East Northeast of Virac, Catanduanes (14.3 °N, 128.7 °E) with maximum sustained winds of 75 kph near the center and gustiness of up to 90 kph. It is forecast to move West Northwest at 22 kph..
Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. katamtamang hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral at ang Look ng Maynila ay katamtaman ang magiging pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 32 antas ng Celsius (75°F hanggang 90°F).
Ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, kasama na ang Polillo Island, Camarines Norte at Catanduanes ay makakaranas ng mga pag- ulan at paminsan-minsang pagbugso ng hangin. Ang natitirang bahagi ng Luzon at Kabisayaan ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa dakong hapon o gabi.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang Hilagang-kanluran ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula sa Timog-silangan at Timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon.